
Magkakasama sina Carlos Agassi at Rich Asuncion sa isang episode ng Tadhana.
Si Rich ay gaganap bilang isang physical therapist na naghahanapbuhay sa Singapore. Si Carlos Agassi naman ay gaganap bilang isang call center agent na mukhang malapit na ma-promote.
Sa kagustuhan ng karakter ni Rich na makasama ang asawa, magpaplano ang dalawa na mag-migrate ang karakter ng aktor sa Singapore. Pero sa pagdadahilan ng asawa ay maiisip ng babae na baka may "secret affair" ito. Totoo kaya ang kanyang kutob? Abangan ngayong Sabado sa Tadhana.
Panoorin ang teaser ng Tadhana dito: