
Naging usap-usapan ang pagbili diumano ng engagement ring ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo para sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 23, binigyan linaw na ng atleta ang kumakalat na balita.
Pagbabahagi ni Carlos sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, 2023 pa siya nagsimulang sumubok na bumili ng engagement ring. Ngunit sabi niya, tila hindi naaayon ang kanyang mga plano ang mundo.
“Tinry ko sa Japan bumili, tinry ko rin sa Singapore bumili, pero ewan ko, hindi sumasang-ayon sa 'kin 'yung mundo,” sabi ni Carlos
Isang nakikitang rason nila ni Chloe kung bakit hindi natutuloy ay maaaring dahil nakikita nito ang notification na nagpa-reserve si Carlos ng singsing.
“E kasi po nag-notif siya sa email niya, so hindi ko naman po sinasadya, nakita ko na nag-notif na 'reservation for a ring,' ganyan. So of course, I had to tell because we're super open, and of course, the surprise kasi, mawawala na,” ani Chloe.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NA-ENGAGE NOON 2025 SA GALLERY NA ITO:
Ayaw naman niyang magsinungaling tungkol dito at magkunwaring nagulat dahil mawawala ang magic ng sorpresa.
“So nu'ng nalaman niya po na ganu'n, pero at the same time, hindi rin po kasi ako nakabili, parang hindi ko muna po siya ginawa,” sabi ni Carlos.
Pero paglilinaw ng Olympian, looking forward pa rin siyang mabili ang naturang singsing.
Dahil napag-uusapan na rin nila ang pamilya, tinanong na rin ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kahalaga para sa kanila ang basbas ng kanilang mga pamilya. Pag-amin nina Carlos at Chloe, hindi ito kasinghalaga, lalo na kung nagkakaintindihan naman sila.
Dagdag pa ni Chloe, “I feel like it would get complicated kapag there are too many people getting involved and I feel like if you have the right circle, they wouldn't make you feel that way to have you consider them or not to consider. It's a safe space po kasi.”
Panoorin ang panayam kina Carlos at Chloe dito: