GMA Logo Carlos Yulo
photo by: Luis Manzano YT
Celebrity Life

Carlos Yulo, may plano kaya sumabak sa showbiz?

By Kristine Kang
Published September 4, 2024 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Yulo


Alamin ang mga plano ngayon ni Carlos Yulo, rito.

Isang inspirasyon ngayon ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa Paris Olympics 2024. Siya rin ang kauna-unahang atleta na nag-uwi ng dalawang gintong medalya at ang unang gymnast na nanalo sa Olympics.

Maliban sa pagiging inspirasyon, marami rin ang kinikilig sa atleta dahil sa kanyang cute at gwapong hitsura. Kahit noong nagsisimula pa lamang siya bilang gymnast, madalas na siyang pinag-uusapan online.

Ngayon na malaki na ang naabot ni Carlos, may ilang netizens ang gustong malaman kung ano ang kanyang mga plano. Meron ding nagtatanong kung nais ba niyang pumasok sa showbiz.

Sa kanyang panayam kasama si Luis Manzano, nilinaw ng gymnast champion ang mga usap-usapan tungkol sa pagpasok sa showbiz.

Aniya, "Hindi po. Hindi po talaga. Hindi po ako marunong umarte po, e."

Dagdag pa ni Carlos, hindi rin niya plano ngayon ang maging sports host at nais niyang tumutok sa pagtulong sa larangan ng sports.

"Gusto ko related talaga sa sports po. Makatulong po talaga sa community ng gymnastics po talaga. Iyon 'yung gusto ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na sa showbiz po ako, eh," paliwanag niya.

Sa ngayon, nais niyang ibahagi ang kanyang mga natutunan at karanasan sa mga kabataan bilang inspirasyon at upang mapalago ang gymnastics sa bansa.

"Ma-share ko 'yung knowledge ko po and naging experience ko po sa high level po and sa ganitong elite level po. Ma-share ko siya sa mga kabataan. Hopefuly na makarating sila sa ganitong level po," sabi niya.

Maliban sa kanyang mga plano, sasabak ulit sa pag-eensayo si Carlos para sa Southeast Asian Games o SEA Games na gaganapin sa 2025.

Kilalanin pa ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo sa gallery na ito: