
Naghahanda na para sa World Championships ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos “Caloy” Yulo.
Spotted si Caloy at ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa champagne carpet ng Preview Ball 2025, kung saan nakapanayam sila ng press kabilang ang GMANetwork.com.
Ayon sa Filipino Olympian, kasalukuyan siyang naghahanda para sa kanyang susunod na laban na gaganapin sa darating na October.
Pahayag ni Caloy, “Nagpe-prepare po para sa World Championships sa October. Medyo mahirap [ang trainings] pero kailangan po. May struggles po sa trainings, may mga hindi inaasahang injuries po but it is alright.”
Related gallery: Carlos Yulo's journey to Olympic Gold
Bukod pa sa mga ito, nakatakda ring mag-undergo ng training sa Japan si Caloy at ayon sa kanyang girlfriend na si Chloe at sasamahan niya ang una bilang suporta.
“Iyong competition po sa first week [ng October]. Gaganapin po siya sa Jakarta, Indonesia. Magte-training po kami sa Japan for two weeks po,” sabi ni Caloy.
Ayon kay Chloe, “I have to be there to support. I always ask him naman if which one would you like ba. Do you want me staying here in the Philippines or Australia or he wants me to come along. Yeah, his answer is I'm coming along.”
Samantala, nagwagi ng ginto ang two-time olympic gold medalist sa 2025 Asian Gymnastics Championships sa South Korea na ginanap nitong Hunyo.
Related content: Carlos Yulo's fashionable fits that got people talking