
Pagkatapos ng sunud-sunod na events para sa kanyang naging tagumpay sa 2024 Paris Olympics, sasabak na ulit sa training si Carlos “Caloy” Yulo.
Sa report na ipinalabas sa Unang Hirit nitong Lunes, September 2, inilahad na matapos ang kanyang pahinga, babalik na sa pag-ensayo ang two-time Olympic gold medalist.
Paghahandaan na ni Caloy ang kanyang laban para sa Southeast Asian Games o SEA Games na gaganapin sa 2025.
Ayon sa Gymnastics Association of the Philippines, ipapadala sa training camp sa abroad si Caloy.
Ito ay upang makakuha pa ang Pinoy gymnast ng mas marami pang experience.
Sa buwan naman ng Nobyembre, nakatakdang pumunta si Team Yulo sa Japan upang bisitahin umano ang kanyang longtime mentor na si Munehiro Kugimiya.
Video Courtes: GMA Public Affairs
Matatandaan na August 13 nang makabalik si Caloy sa Pilipinas matapos ang kanyang naging matagumpay na laban sa 2024 Paris Olympics.
Samantala, bukod kay Caloy, sasabak din sa matinding training ang iba pang Filipino Olympians para sa 2025 SEA Games.