
Kabilang sina Carlos “Caloy” Yulo at kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa mga dumalo sa recently concluded fashion event na Preview Ball 2025.
Sa isang interview sa event, mabilis na sinagot ni Caloy ang tanong kung sino sa kanila ni Chloe ang unang humihingi ng tawad tuwing sila ay mayroong tampuhan o hindi pagkakaunawaan.
Ayon kay Caloy, siya ang nauuna at mayroon siyang paliwanag tungkol dito.
Sabi niya, “Ako po [ang unang nagso-sorry] kasi ako lang palaging nagkakamali.”
Kasunod nito, nagkatinginan at sabay na silang nagtawanan ni Chloe sa naging sagot ng una.
Bukod sa panayam, nakakwentuhan din ng celebrity couple si Tim Yap na nagsilbing host sa naging mga kaganapan sa champagne carpet ng Preview Ball 2025.
Samantala, nakatakdang magtungo sa Japan si Caloy, kung saan sasamahan siya ni Chloe para sa dalawang linggong training bilang kanyang paghahanda sa World Championships.
Gaganapin ito sa Jakarta, Indonesia sa darating na buwan ng Oktubre.
Related content: Carlos Yulo's fashionable fits that got people talking