
Wagi ng ginto ang two-time olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa 2025 Asian Gymnastics Championships sa South Korea.
Sa score na 14.600, nakuha niya ang gold medal sa finals ng floor exercise. Siya pa rin ang defending champion sa naturang kategorya.
Pumangalawa o silver medalist naman ang pambato ng Kazakhstan na si Milad Karimi na nakakuha ng score na 14.400. Bronze medalist ang pambato ng South Korea na si Moon Geonyoung na nakakuha ng score na 14.033.
Nauna nang naka-bronze si Carlos sa individual all-around finals sa 2025 Asian Gymnastics Championships.
Related gallery: Carlos Yulo's journey to Olympic Gold