
Itinanghal bilang kampeon si Carmelle Collado ng “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown” ng noontime show na It's Showtime.
Sa Huling Tapatan na ginanap nitong Sabado, January 18, ay naglaban-laban sina Arvery Lagoring ng Claret School - Lamitan, Carmelle Collado ng King Thomas Learning Center, at Isay Olarte ng City College of Calapan para sa titulong Grand Champion.
Unang inanunsyo ang third placer na si Avery na nakakuha ng 92.5 percent na score.
Nasungkit naman ni Carmelle and Grand Championship nang makakuha siya ng 98 percent, habang second place naman na si Isay ay nakakuha ng score na 97.7 percent.
Makakatanggap ng contract sa Star Magic si Carmelle, recording at music label contract mula Star Music, ang prestihiyosong tropeo ng “Tawag ng Tanghalan,” at cash prize na Php 1 million.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGING JOURNEY NG FORMER TAWAG NG TANGHALAN FINALIST AT THE VOICE US CHAMPION NA SOFRONIO VASQUEZ DITO