
Isang kaabang-abang na Saturday morning chikahan at kulitan ang ating mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? sa January 20.
Makakasama natin sa weekend bonding ang mga mahuhusay na kontrabidas na sina Carmi Martin at Gladys Reyes. Makakasama rin natin si Echo sa masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba?
Tampok sa episode na ito ang game na Hula Race at ang quick and easy dish na ihahanda ni Carmina Villarroel with Carmi and Gladys.
Mapapanood pa natin sa Sabado ang Feng Shui expert na si Johnson Chua para alamin ang intriguing fortune ng ating hosts and guests this Chinese New Year. Mayroon pang practical tips on how to make the year prosperous!
Abangan ang masayang Sarap, 'Di Ba? episode na ito sa Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? online sa GMA Network at Adventure. Taste. Moments (ATM) YouTube channels at sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page.