
Isang aktres ang pinasabihan raw ni Carmi Martin dahil sa pagka-late nito sa set.
Ikinuwento ito ni Carmi sa Sarap, 'Di Ba? nang siya ang upo sa Trip to the Hot Seat segment ng programa.
Tanong ni Carmina kay Carmi, "Totoo bang may inaward-award kang young star sa isang series mo noon dahil sa pagiging unprofessional nito?"
Natatawang pag-amin naman ni Carmi, "Masasagot ko, pero 'yung pangalan nakalimutan ko."
Inilahad naman ni Carmi kung ano ang nangyari sa set at kung bakit siya nainis sa nasabing young actress
RELATED GALLERY: LOOK: The many times Carmi Martin proved she's an immortal goddess
"Naiinis ako na lahat kami naghihintay at I am sure na marami sa atin ang ganoon na we are very professional pagdating sa trabaho natin. And, consistent siya. 'Yun pala 'yung road manager or 'yung chuva chuva ang kailangan."
Saad pa ni Carmin, importanteng mag-apologize sa mga katrabaho.
"Para sa akin, kung sino man ang dapat na mag-sorry sa set ay ang artistang 'yun. Kung late for whatever reason, mag-sorry ka, hindi 'yung uupo ka na lang na ano'ng gagawin, gano'n."
Itinanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina kung paano niya "inawardan" ang young actress.
"Sa harap talaga ng lahat tao. Kasi may nagpainom sa akin ng kape, pangpapayat daw, pero pangpapainit pala ng ulo ang nainom ko," natatawang sagot ni Carmi.
Dugtong pa niya, "Sinabi ko, 'Hello, ang tagal-tagal mo naman lahat kami naghihintay dito.' Hindi siya nag-sorry tapos biglang nag-take na lang kami. Talagang gigil na gigil ako."
Nagbigay naman ng payo si Carmi kung paano magtagal sa mundo ng showbiz.
Ani Carmi, "Isa sa sikreto sa pagtatagal sa showbiz, be professional."