
Ibinahagi nina Kapuso actresses Ashley Ortega, Vaness del Moral, at Carmina Villarroel na mami-miss nila ang kanilang mga karakter sa kauna-unahang suspenserye ng GMA na Widows' Web.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sobrang nagustuhan daw ng tatlong aktres ang kanilang roles na sina Jackie Sagrado (Ashley), Hillary Suarez (Vaness), at Barbara Sagrado-Dee (Carmina).
Para kay Vaness, nagustuhan at mami-miss nito ang pananamit o fashion style ni Hillary. Aniya, “Since I portrayed Hillary, when I came home, my God! Nag-online shopping ako ng mga damit.”
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
Ang pagiging strong and independent naman ang mami-miss at nagustuhan ni Ashley sa kanyang role bilang Jackie.
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
“'Yung pagka-martir ni Jackie dahil sobrang daming challenges din [ang] na-feel ng character ko. She's a very strong, independent woman. She handled situations gracefully,” pagbabahagi niya.
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
Sagot naman ni Carmina, “I've been saying this to all of them na mahihirapan akong kumuha ng next show kasi ito e, ito si Barbara e, ito 'yung show namin ang taas.”
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang galing sa pag-arte ng cast ng Widows' Web. Sa katunayan, nakakuha ng mataas na ratings at nag-trending pa ang nakaraang episodes ng suspenseryeng ito.
Mga Kapuso, huwag n'yong palampasin ang killer finale ng Widows' Web mamayang gabi, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.