
Nagulat ang lahat sa tanong ni Carmina Villarroel kay Zoren Legaspi dahil may kinalaman ito sa mga ex-girlfriend ng kaniyang asawa.
Sa Sarap, 'Di Ba? segment na Trip to The Hotseat ay diretsahang itinanong ni Carmina kay Zoren ang tanong na, "Sa mga ex-girlfriends mo, sino ang babalikan mo at bakit?"
Napatigil naman si Zoren kaya nagulat si Carmina sa reaksyon ng kaniyang asawa. Ani Carmina, "Nakakaloka ka! Nag-iisip ka talaga."
Dugtong pa ni Carmina, "Nag-iisip ka pa talaga kung sino ang babalikan mo? Ang tamang sagot diyan wala."
RELATED GALLERY: #ZorMina: The sweetest moments of Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
Sagot naman ni Zoren, "Wala nga, hinihintay kong matapos ikaw."
Paliwanag pa ni Zoren kay Carmina, "Iilan lang ex ko, ikaw nga ang nagwagi."
Panoorin ang nakakatuwang bukingan nina Carmina at Zoren dito: