GMA Logo Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
Source: zoren_legaspi (Instagram)
What's on TV

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, emosyonal nang mapanood ang full trailer ng 'Stories from the Heart: The End Of Us'

By Jimboy Napoles
Published December 16, 2021 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi


Matagal na raw pinangarap ni Zoren Legaspi na mabigyan ng isang magandang proyekto kasama ang asawa na si Carmina Villarroel.

First time magtatambal ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa isang Kapuso series kaya naman excited ang mag-asawa na mapanood na ng kanilang fans ang pinaghirapan nilang proyekto. Ito ay ang fourth offering ng afternoon drama anthology series na Stories from the Heart, ang The End Of Us.

Sa ginanap na media conference ng The End Of Us nitong Miyerkules (December 15), naging emosyonal ang dalawa nang mapanood ang full trailer ng kanilang pagbibidahang programa.

Ayon kay Zoren, matagal niya na raw hinihintay ang ganitong klaseng proyekto kasama ang kaniyang asawa na si Carmina kaya hindi niya napigilang maluha nang masilip for the first time ang teaser ng kanilang show.

"Actually emotional ako, kasi as an actor, you wait for this kind of story, this kind of director, this kind of writers, this kind of creatives, this kind of producers, this kind of EP and bihira 'yun mangyari sa isang show na hinihintay mong lahat ng magagaling ay magsama-sama sa isang production," ani Zoren.

Dagdag pa niya, "So it's really a blessing and great opportunity for us na mag-asawa to be chosen dito sa magandang programa na ito."

Naiyak din si Carmina nang makita si Zoren na emosyonal pagdating sa isang proyekto.

"First time kong makita si Zoren na very emotional pagdating sa show... actually pati rin ako," pag-amin ng aktres.

Masaya rin si Carmina nang malaman niyang isa raw sa bucket list ng kanilang direktor na si Zig Dulay ang makagawa ng proyekto kasama silang mag-asawa.

"Yung mga binitiwang salita ni Direk [Zig Dulay] sobrang nakakataba ng puso na isa raw yun [The End Of Us] sa bucket list niya, so thank you direk. Sobrang nakaka-happy at nakaka-proud.

"Thank you kasi masarap talagang pakinggan galing sa direktor o sa creative team na bucket list nila na makatrabaho ako at si Zoren so nagpapasalamat ako," ani Carmina.

Kumpiyansa rin si Zoren na isang magandang programa ang mapapanood ng kanilang mga taga-subaybay.

Aniya, "We don't normally watch it after our taping, first time lang namin nakita yung kabuuan ng show and somehow we know na we have a good show but after seeing the trailer it's more of a masterpiece."

Gaganap ang real-life Kapuso couple bilang mag-asawang sina Maggie Corpuz at Jeffrey Guevarra na sinubok ang pagsasama at relasyon dahil sa isang pagkakamali. Makakasama ng dalawa ang beauty queen na si Ariella Arida, Johnny Revilla, Karel Marquez at si Andrew Gan.

Panoorin ang trailer ng Stories from the Heart: The End Of Us, dito:

Abangan ang Stories from the Heart: The End Of Us, simula December 20, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.