What's on TV

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, ibinahagi ang kanilang naging buhay sa Amerika

By Maine Aquino
Published March 10, 2021 12:44 PM PHT
Updated March 10, 2021 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, and Cassy Legaspi


Inamin nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na nakikitira lamang sila noon sa Amerika.

Puno ng fun stories sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi nang mag-reminisce sila ng kanilang buhay sa Amerika sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Matatandang sina Carmina at Zoren ay nanirahan noon sa Amerika at doon din ipinanganak ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Kuwento ni Zoren, “noong baby sila sa sofa lang kami natutulog. Sofa bed 'yun actually."

Dugtong pa ni Carmina, “Ako 'yung sofa bed, 'yung sayo bed talaga."

Ayon kay Carmina ganon ang naging set up nila sa Amerika dahil nakikitira lamang sila noon sa kapatid ni Zoren.

“Nakitira lang po kami sa brother ni Zoren sa States, si Jippy. They only had one bedroom that time. 'Yung sala nila, sorry na-convert na namin into our bedroom. 'Yung sofa bed sa akin and kay Cassy. 'Yung bed na nilagay nila doon si Maverick at si Zoren.”

Inamin ni Carmina na masaya na nakakapagod ang pagkakaroon ng kambal na anak.

“Kami po ni Zoren, times two…Two times, doble po ang kasiyahan na nararamdaman namin ni Zoren, two times din 'yung pagod.”

Mavy and Cassy Legaspi s baby photos

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Nagtanong naman sina Mavy at Cassy ng ilang mga detalye noong sila ay babies pa lamang.

Sino ang mas masungit o iyakin sa kanilang magkapatid? Tanong ni Cassy kina Zoren at Carmina.

Sagot ni Carmina, “walang masyadong iyakin e. Wala namang iyakin sa inyo. You guys are typical babies, iiyak lang kayo when you guys are hungry or iiyak lang kayo kapag mayroon ng poop yung diaper ninyo."

Ibinahagi naman ni Carmina na sa kambal, si Cassy ang mahirap patulugin.

“Si Cassy ever since mahirap na talaga siya patulugin. Kailangan talaga ihehele ko siya. Kailangan kakantahan ko siya, i-sway sway, gusto niya lakad lakad."

Inalam naman ni Mavy kung sino ang maituturing na happy baby sa kanila ni Cassy.

Pag-amin ni Carmina, “Pareho kayong happy babies. May times si Maverick 'yung nagsa-smile, may times na si Cassy.”

Ngayong dalaga at binata na ang kambal may mensahe ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host sa dalawa.

“Kahit na hindi na kayo mga babies, para sa mga mata namin ng tatay ninyo e talaga namang mga babies namin kayo forever. I always say that kahit na twenty na kayo, kahit na thirty, forty, you will always be our babies.”

Samantala, narito ang patunay na ang pamily nina Carmina at Zoren ay isa sa mga inspiring celebrity families at #FamilyGoals:



RELATED CONTENT:

IN PHOTOS: 20 times Mavy Legaspi made us swoon

IN PHOTOS: Cassy Legaspi's stylish looks