GMA Logo Carmina Villarroel at Zoren Legaspi
What's on TV

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, paano pinalago ang kinita ng mga anak noon?

By Aedrianne Acar
Published December 25, 2025 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iba’t ibang pook-pasyalan sa Baguio City, dinadagsa ng mga turista | One North Central Luzon
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi


Sino kina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang humawak sa mga kita nina Cassy at Mavy Legaspi noong mga bata pa sila?

Napunta ang kuwentuhan ng showbiz family nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kasama ang mga anak nila na sina Cassy at Mavy sa usapang investment nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda.

Natanong ng King of Talk, kung "mayaman" na ba ang dalawang anak nina Carmina at Zoren dahil bata pa lamang ay sumabak na sila sa modeling at commercials.

Ayon kay Carmina, sinigurado nilang mag-asawa na may pupuntahan ang kita ng kanilang twins at si Zoren ang nag-handle ng mga ito.

“Kasi, Tito Boy pagdating sa family, ako wala akong alam sa investment.

“Toka talaga ni Zoren 'yan. So, mga bata pa lang sila naka-invest na 'yung mga pera nila sa mga properties. At sinasabi 'yun ni Zoren sa kanila. That's why we don't ask because we know,” paliwanag ng Hating Kapatid star.

Dagdag niya, “Alam namin kung saan napupunta, so, yung mga bata sila in-invest na kaagad ni Zoren 'yan. Ngayon, 'yung kinikita nila sa kanila na 'yun.”

Nag-open up naman ang actor-director na si Zoren Legaspi nang bansagan siya noon ng publiko na isang "househusband" lalo na at mas madalas na nagtatrabaho noon ang kanyang misis.

Lahad ng versatile actor kay Tito Boy, “There was a time, kasi, I was called, natatandaan mo Tito Boy they called me a 'Househusband' before?”

“Kasi, she was working; they (twins) were into modeling and commercials. I was in the house, I was called 'househusband.' But I was not offended dahil busy siya and it was an opportunity for me. Sabi ko, 'Ah, ako yung mag-aalaga, hands-on sa kambal while she was working.'”

“And at the same time, sabi ko ah ang magiging obligasyon ko sa kanila palalaguin ko 'yung pera nila. Sa awa ng Diyos napalago ko naman 'yung pera nila.”

Napapanood ang Legaspi family sa afternoon series na Hating Kapatid, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It's Showtime.

RELATED CONTENT: #FamilyGoals: Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Mavy, and Cassy