
Bagong nakakatuwang kuwentuhan ang ibinahagi nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen sa kanilang podcast.
Sa "Wala Pa Kaming Title," ibinahagi nila ang kanilang embarrassing moments na hindi nila malilimutan. Ilan sa mga ito ay nangyari kina Carmina, Candy, Gelli, at Janice habang nagtatrabaho at ilan naman ay mula sa kanilang personal experience outside showbiz.
PHOTO SOURCE: YouTube: Candy Pangilinan
Ayon sa kanilang vlog, "Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang mga Most Embarrassing Moments nina Janice, Gelli, Candy at Carmina at ang kanilang ways and means kung paano makaka-recover sa hiya."
Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang pagkakadapa sa public place, pagpunta sa maling event, at pagkasira ng sapatos habang nagni-ninang sa kasal.
Inilahad rin nina Carmina, Candy, Gelli, at Janice ang reaksyon ng mga taong naka-witness sa mga embarrassing moments nila.
Alamin kung sino-sino ang naka-experience ng mga ito at pati na rin kung ano ang kanilang mga ginawa nang mangyari ang mga nakakahiyang moments na ito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA CELEBRITIES NA PODCAST HOSTS SA GALLERY NA ITO: