GMA Logo Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice de Belen in Wala Pa Kaming Title Podcast
Celebrity Life

Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen, binalikan ang kanilang childhood memories

By Maine Aquino
Published May 23, 2022 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat, Hawks aim for post-Christmas turnaround
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice de Belen in Wala Pa Kaming Title Podcast


Alamin ang larong kalye, paboritong candy, at kwentong party line nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice de Belen.

Isang throwback chikahan ang ibinida sa podcast nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli de Belen, at Janice de Belen na Wala Pa Kaming Title.

Sa episode na ito binalikan ng magkakaibigan ang buhay nila nung sila ay bata pa. Mula sa paglalaro sa kalye, paborito nilang mga candy at funny memories na hinding hindi raw nila malilimutan.

Photo source: Carmina Villarroel-Legaspi

Ayon sa post ni Carmina, "Sa episode na 'to, nag-reminisce kami tungkol sa kabataan namin!"

Dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? host, "Curious ba kayo kung ano nga ba 'yung mga larong kalye na uso sa amin noon? 'Yung mga paborito naming candy? Mga funny experiences namin sa party line? Tara, sabay-sabay tayong mag look back sa mga panahong tambay pa tayo sa sari-sari store at masaya na tayo sa tatlong beinte singko! Enjoy, mga mare!"

Sa kanilang kwentuhan ay napag-alaman na 22 years old na si Carmina nang matutong uminom ng gamot at vitamins. Si Janice ay tinutukan raw ng kanilang nanay ng isang buong araw para matuto mag-bike.

Samantala, sina Candy at Gelli ay ibinahagi naman ang kanilang mga favorite childhood games.

Panoorin ang kanilang nakakatuwang bonding sa podcast nina Carmina, Candy, Gelli at Janice.