GMA Logo Carmina Villarroel Candy Pangilinan Janice and Gelli De Belen
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel
What's Hot

Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice at Gelli De Belen, bibida sa isang pelikula

By Maine Aquino
Published January 5, 2024 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: PH gold medalists in the 2025 SEA Games
Ang mga balitang dapat tutukan ngayong Biyernes, December 12, 2025 | One North Central Luzon
Zeinab Harake marks 27th birthday with a photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel Candy Pangilinan Janice and Gelli De Belen


Ang magkakaibigang sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice at Gelli De Belen, magkakasama sa isang pelikula ngayong 2024!

Magkakasama sa big screen ang magkakaibigan na sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice at Gelli De Belen!

Sina Carmina, Candy, Janice, at Gelli ay bibida sa pelikulang Road Trip. Ayon sa trailer ng pelikula, kuwento ito ng magkakaibigan na magre-reunion.

Carmina Villarroel Candy Pangilinan Janice De Belen Gelli De Belen Andoy Ranay

PHOTO SOURCE: @mina_villarroel

Ayon sa post ni Carmina, "Tara ROADTRIP tayo…"

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)

Noong September 2023 ay nag-post si Carmina tungkol sa proyekto nilang magkakaibigan. Ayon sa Sarap, 'Di Ba? host at Abot-Kamay Na Pangarap star, "Super excited for this. It was our first shooting day yesterday for our movie 'Road Trip'."

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)

Mula sa kanilang hit na podcast na Wala Pa Kaming Title ay sinundan nila ito ng movie project under Viva Films. Ang Road Trip ay directed by Andoy Ranay, DGPI.

RELATED GALLERY: Carmina Villarroel, Aiko Melendez, Gelli de Belen, and Candy Pangilinan's decades-long friendship

Makakasama nila sa pelikula sina Abby Bautista, Yumi Garcia, Ashtine Olviga, Heart Ryan, John Lapus, JC Tiuseco, Jastine Lim, Ethan David, Christian Vasquez, Ana Abad Santos, Paolo O'hara and Maricar Dela Fuente.

Narito ang official trailer ng Road Trip na ipapalabas sa January 17.