GMA Logo Carmina Villarroel shoe collection
Celebrity Life

Carmina Villarroel, ibinahagi ang kuwento ng kaniyang mga designer shoes

By Maine Aquino
Published May 3, 2021 7:15 PM PHT
Updated September 2, 2021 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

5 cases from cruise ship confirmed as hantavirus, 3 suspected — WHO
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel shoe collection


Ibinahagi ni Carmina Villarroel ang ilan sa kaniyang mga paboritong designer shoes at nagbigay rin ang aktres ng ilang tips sa pagbili ng luxury items.

Classy at comfortable ang mga favorite designer shoes na ipinakita ni Carmina Villarroel mula sa kaniyang shoe collection.

Sa latest video niya sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host ang ilan sa most worn pairs, mga kuwento nito at ilang tips na rin sa pagbili ng designer shoes.

Isa sa mga ipinakita ni Carmina ay ang kaniyang Manolo Blahnik. Ayon sa aktres, nagustuhan niya ito dahil sa classy na design at kumportable suotin dahil sa heels. Nagustuhan rin ni Carmina ito dahil ito ay sumikat sa hit na TV series and movie na Sex and the City na ginamit ni Carrie Bradshaw (Sarah Jessica Parker).

Saad ni Carmina, "Na-in love ako sa Manolo Blahnik kasi nga super love ko si Carrie Bradshaw sa Sex and the City 'di ba doon nga naging popular ito. Pero sa kaniya 'yung color blue.

Payo naman ni Carmina, ang kulay na magandang bilhin kapag magsisimula shoe collection ay black. Matatandaang ganito rin ang naging payo ni Carmina sa pagbili ng designer bags sa kaniyang vlog.

"Black kasi madaling ternohan at very classy ang hitsura niya.

Sa pagbili ng sapatos, lalo na kapag luxury brands, kailangan ay subukan muna ito.

Paliwanag ni Carmina, "Always remember na iba-iba po ang mga paa natin. May malapad, may payat, may malaki, may maliit. So it doesnt mean na komportable sa akin, komportable sa inyo."

Carmina Villarroel and her favorite designer shoes

Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi

Dugtong pa ng aktres, "I suggest before you purchase any shoes, sukatin niyo muna and medyo ilakad-lakad ninyo. I-test niyo muna lalo na kung medyo pricey para walang sisihan 'di ba?"

Inamin naman ni Carmina na kapag may nagustuhan siyang fit ng sapatos ay binibili niya ang iba't ibang kulay nito.

"'Pag meron akong nagustuhan na isang style or isang brand, kung puwedeng kunin ko 'yung mga basic colors kinukuha ko na po lahat kasi bihira lang ako magkagusto sa shoes na very comfortable yet stylish for me."

Panoorin ang top designer shoes ni Carmina sa kaniyang vlog:

Tingnan naman ang designer bag collection ni Carmina sa gallery na ito: