
Isang pasasalamat sa kanyang pamilya ang handog ni Carmina Villarroel dahil sa pag-alalay nila sa kanya sa loob ng ilang buwan.
Ibinahagi ito ni Carmina sa kanyang birthday episode last August 20 sa Sarap, 'Di Ba? Ayon kay Carmina, may pinagdaanan siya nitong mga nakaraang buwan at nagpapasalamat siya sa asawa na si Zoren Legaspi at mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi dahil sa kanilang pagsuporta sa kanya sa mga panahong ito.
Ani Carmina, "Thank you tatay, Mavy, Cassy. Thank you for you for being here. Thank you for your love, thank you rin sa care, at sa support ninyo sa akin."
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Inamin ni Carmina na umabot na ito sa halos 10 buwan ngunit kinaya niya ang pagsubok na ito dahil sa tulong ng kanyang pamilya.
"The past nine months, ten months... it was difficult but somehow you made it easier for me kasi pinaramdam ninyo talaga sa akin na hindi ako nag-iisa. Pinaramdam ninyo sa akin ano ang ibig sabihin ng pamilya."
Hindi man nilinaw ni Carmina kung ano ang personal niyang pinagdaanan, nagpasalamat naman siya kina Zoren, Mavy, at Cassy dahil sa pag-unawa sa kanya.
Saad ng Sarap, 'Di Ba? host, "Hindi ko kayo napasalamatan but alam n'yo na ano ang ibig kong sabihin. Thank you for being so understanding kung for the past nine or ten months, hindi ako masyado naging present sa buhay ninyo."
Dugtong pa ni Carmina ay ang pagpapasalamat sa pagmamahal nila sa ama niyang si Daddy Reggie. Matatandang pumanaw ang ama ni Carmina nitong June 2022.
"Thank you sa pag-alalay ninyo sa akin and for loving Daddy Reggie. Thank you."
Bukod sa pamilya, pinasalamatan rin ni Carmina ang kanyang programang Sarap, 'Di Ba? dahil sa pagbuo ng birthday episode para sa kanya.
Saad ng aktres at host, "Thank you to my Sarap, 'Di Ba? family. Thank you for this episode. Thank you sa pagmamahal."
Paliwanag pa ng aktres, "Alam ko hindi madali na mag-put up ng ganitong celebration. Sabi ko naman hindi naman kailangan. But thank you for making me happy.
"Medyo matagal na akong hindi naging masaya, but thank you."
SAMANTALA, NARITO ANG SWEET NA PHOTOS NG LEGASPI FAMILY:
xxxxxxxxxxxxxx