GMA Logo Carmina Villarroel
PHOTO COURTESY: mina_villaroel (IG)
What's Hot

Carmina Villarroel, inaming nagiging emosyonal sa tuwing mayroong lock-in taping

By Dianne Mariano
Published February 23, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Ibinahagi ni 'Widows' Web' star Carmina Villarroel kung bakit siya nagiging emosyonal sa tuwing sasabak siya o ang kanyang pamilya sa lock-in taping.

Isa si seasoned actress Carmina Villarroel-Legaspi sa lead stars ng upcoming GMA Telebabad series na Widows' Web, kung saan gaganap siya bilang si Barbara Sagrado-Dee.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres na hindi niya mapigilang maging emosyonal sa tuwing aalis siya o ang kanyang pamilya para sa lock-in taping.

“Ako naman every time na nagla-lock-in ako, or nagla-lock in si Zoren, or si Cassy or si Mavy, I always cry. Given na 'yan. Unang-una iyakin ako [at] pangalawa, nanay ako [at] asawa ako. So, hindi ako sanay na nalalayo sa pamilya ko.

“I'm very family-oriented. We're really close e. Aapat na lang kami 'di ba tapos naghihiwalay pa nang matagal,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ng celebrity mom, “I'm starting to embrace this parang new norm natin, sa ngayon. So, wala naman akong choice kung hindi tanggapin ito because it's still a blessing.”

Sa kabila ng pandemya, puno pa rin ng pasasalamat si Carmina dahil binibiyayaan siya at ang kanyang pamilya ng trabaho. Bukod dito, nakaramdam ng excitement ang aktres sa Widows' Web dahil sa all-female leading stars ng programa.

Aniya, “With this one, mas na-excite ako because ang mga bida, mga babae. I'm thankful na isa ako do'n sa mga babae dito sa Widows' Web. As always, I'm excited and thankful.”

Bukod kay Carmina, kabilang rin sa mga pangunahing karakter sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, at Vaness del Moral.

Huwag palampasin ang world premiere ng Widows' Web simula February 28 sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang sweetest moments nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa gallery na ito.