
Ibinahagi ni Carmina Villarroel ang kaniyang saloobin tungkol sa friendship nina Cassy Legaspi at Darren Espanto.
Diretsahang inamin ito ng celebrity mom at host sa episode ng Sarap, 'Di Ba? nitong November 5.
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel
Kuwento ni Carmina, pabor siya sa friendship ng anak na si Cassy kay Darren. Ani Carmina, "Alam mo kung bakit okay ako kay D? Kasi mabait siyang tao."
Pag-amin pa ng Kapuso star, nakikita niyang magalang si Darren sa kanila ng kaniyang asawa na si Zoren Legaspi.
"Pumupunta 'yan sa bahay, bumibisita 'yan sa bahay. At ang una niyang ginagawa 'pag pumupunta 'yan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati. 'Yun ang pinakanagustuhan ko sa kaniya kasi nga makikita mo na mayroon siyang respeto."
PHOTO SOURCE: @teamcassren
Itinanong ng guests nila sa programa na sina Pekto at John Feir kung handa na ba siya sakaling gusto na magka-boyfriend ni Cassy.
Sagot ni Carmina, "Siyempre as a mother, I would say no."
Dugtong pa niya ay may sinabi si Cassy sa kaniya tungkol sa pakikipagrelasyon.
"Ang sabi sa akin ni Cassy wala pa raw sa isip niya ang boyfriend boyfriend. Ang sinasabi niya gusto niya mag-concentrate dito sa trabaho niya, sa career niya. Plus, nag-school kasi."
"Gusto ko paniwalaan, at gusto kong panghawakan 'yung sinasabi niyang wala sa isip niya. Siyempre pabor sa akin 'yun." paliwanag ni Carmina.
Sakali man raw na mag-boyfriend na si Cassy ay maiintindihan naman ito ni Carmina dahil siya rin ay dumaan dito.
"If ever, siyempre dumaan ako sa ganoon. I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko 'yan noong kabataan ko. I trust Cassy, I trust Mavy, huwag lang nilang i-break 'yung trust."
BALIKAN ANG TWINNING PHOTOS NINA CARMINA AT CASSY DITO: