GMA Logo Carmina Villarroel
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Carmina Villarroel, na-experience ang happy time sa 'TiktoClock!'

By Maine Aquino
Published April 24, 2024 12:39 PM PHT
Updated April 24, 2024 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ni Carmina Villarroel sa kanyang pagbisita sa 'TiktoClock!'

Ramdam na ramdam ni Carmina Villarroel na "Masaya Dito!" sa TiktoClock!

Ang happy nanay at Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina ay bumisita sa TiktoClock ngayong April 24. Ito ay isa sa mga inabangang crossover para sa GMA Musical Variety and Talent Reality Group campaign na “Masaya Dito!”

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Napanood ang masayang pagsali ni Carmina sa Ulo ng Mga Balita ng TiktoClock. Magkahalong kaba at excitement naman ang naramdaman ni Carmina nang sumabak siya sa 'Sang Tanong, 'Sang Sabog.

Kuwento ni Carmina sa pagbisita at pagsali sa masasayang segments ng TiktoClock, "Nalilito ako ng bonggang bongga, pero nag-enjoy ako."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Balikan ang Ulo ng Mga Balita at 'Sang Tanong, 'Sang Sabog episode with Carmina:

Samantala, abangan ang pagsali sa happy time at kulitan ng All-Out Sundays stars na sina Zephanie, Hannah Precillas, at Mark Bautista sa Biyernes, April 26.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

"Masaya Dito!" kaya tumutok sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.