GMA Logo Carmina Villarroel
What's on TV

Carmina Villarroel, naisipan bang iwanan ang showbiz industry?

By Dianne Mariano
Published March 24, 2022 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Alamin kung naisipan ba ni 'Widows' Web' star Carmina Villarroel na iwanan ang mundo ng showbiz DITO.

Inilahad ni seasoned actress Carmina Villarroel na nagkaroon ng moment sa kanyang buhay na naisipan nitong mag-quit sa showbiz.

Ito ay kanyang sinagot sa Kapuso exclusive video na “Guilty or Not Guilty” kasama ang iba nitong leading co-stars sa Widows' Web na sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, at Vaness del Moral.

Kuwento ni Carmina, “For a time only because when I got pregnant, I went to the States tapos sabi ko, 'Doon na ako.' Parang doon na kami ni Zoren, doon na kami ng mga anak ko, parang bahala na si Batman kung ano gagawin ko do'n.

"I was willing to do odd jobs in the States para lang magkaroon ako ng peace of mind because that time, mayroon pa akong problema. That's why 'di ako makabalik dito and parang more of peace of mind.”

Dagdag pa niya, “Medyo may pagka-escapist kasi ako then. So, umalis ako. So, that time feeling ko sige na… parang magku-quit na ako, parang bahala na kung ano magiging buhay ko sa America. But, then again, ayaw ni God, sabi niya, 'Hindi, mag-artista ka pa.'”

Ayon pa sa celebrity mom, kung hindi raw nangyari ang ganoon na scenario ay sasagutin niya ang “not guilty” dahil nakikita nito talaga ang sarili sa mundo ng showbiz at mananatili nang matagal dito.

Panoorin ang buong “Guilty or Not Guilty” video nina Ashley, Pauline, Vaness, at Carmina sa ibaba.


Samantala, patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Balikan ang buhay bilang isang artista at ina ni Carmina Villarroel sa gallery na ito.