
"Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na nakialam ka sa love life ng mga anak mo?"
Ito ang tanong sa celebrity mom at mahusay na aktres na si Carmina Villarroel nang siya ay mapasabak sa hot seat sa Sarap, 'Di Ba? noong November 4.
Agad naman itong sinagot ni Carmina at sinabing hindi niya masasabing ito ay pakikialam. Sa halip, siya raw ay gumagabay lamang sa mga anak.
Si Carmina ay ang proud mommy nina Mavy at Cassy Legaspi. Sila rin ang co-hosts ni Carmina sa Sarap, 'Di Ba?
Sagot ni Carmina, "I don't want to say pakikialam. Ayokong isipin na nakikialam ako, kasi parang negative 'yung word na 'yun e. It's more of feeling ko mas guidance and siguro 'yung observation ko."
Paliwanag pa niya ay bilang nanay ay gagabay siya sa mga anak.
"Pareho 'yan kay Maverick and kay Cassandra. It doesn't matter kung sino sa kanila. Kung mayroon akong nakikita na hindi maganda, especially na hindi maganda, I tell my kids."
Dugtong pa niya, "Siguro naman bilang mga magulang at mga nanay kayo, ay may mga karapatan tayo because we just want to guide them and you see everything."
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Carmina Villarroel as a cool mom to Mavy and Cassy Legaspi
Itinanong ng guest host na si Donita Nose kung ano ang magiging reaksyon ni Carmina kung hindi niya gusto ang taong mahal ng anak niya at gusto niya na itong pakasalan.
Si Mavy ang nagsabing siya ang sasagot para sa kaniyang mommy.
Pangako ni Mavy, "Hindi ko ilalagay si mama sa lugar na 'yun. Hindi mangyayari 'yun."
Tumanggap naman nang mahigpit na yakap sina Mavy at Cassy dahil sa narinig ni Carmina.
Panoorin ang kanilang sagot dito: