GMA Logo Carmina Villarroel
Celebrity Life

Carmina Villarroel, naniwala sa tsismis na kumalat tungkol sa kanya?

By Maine Aquino
Published October 14, 2022 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Senate votes to curb military action in Venezuela, Trump says oversight could last years
All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Ano ang tsismis na nagpagulo sa isip ni Carmina Villarroel?

Inalala ni Carmina Villarroel ang isa sa mga issues na tumatak sa kanyang showbiz career.

Inilahad ito ng Sarap, 'Di Ba? host sa kanilang podcast nila nina Candy Pangilinan, Janice De Belen at Gelli De Belen na pinamagatang Wala Pa Kaming Title.

PHOTO SOURCE: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi

Sa episode na ito ay binalikan nila ang iba't ibang mga tsismis na na-encounter nila bilang mga artista.

Kuwento ni Carmina, ito raw ay noong may show pa sila na SIS. Ang SiS ay napanood sa GMA Network taong 2001 to 2010. Si Carmina ay naging host nito simula noong 2004.

"Naalala mo noong may SIS tayo tapos sinabi na nasa Boracay ako with this guy?" Pagsisimula ni Carmina.

Idinetalye ni Carmina ang kumalat na balita na nagpunta siya sa Boracay na kasama raw ang isang doktor. Natatawang kuwento ni Carmina, "Isang doktor daw, paano nila nalamang doktor naka-stethoscope ba siya doon, naka-coat ba siya?"

Dugtong pa niya, "May kuwento talaga na dito kami nagpunta na ganito-ganito.. detalyado, ito daw 'yung sinakyan kong airline. Ito daw 'yung oras, dito daw kami nag-stay."

Dahil sa sobrang detalyado ng balitang ito, pati raw ang aktres ay nagduda na sa kanyang sarili. Napuno ng tawanan ang kanilang podcast ng sinabi ni Carmina, "Sobrang galing ng nag-tsismis, umabot na ako sa 'Gelli, hindi kaya nasa Boracay nga talaga ako na 'di ko lang alam?' Pinagdudahan ko na 'yung sarili ko na hindi kaya nasa Boracay ako."

Ayon pa kay Carmina, "Hindi ako magtataka na naniwala 'yung ibang tao kasi ako naniwala na nandoon ako. Hindi ako tinigilan, wini-weekly ako."

Panoorin ang kanilang masayang kuwentuhan dito:

NARITO ANG ILAN PANG CELEBRITY-HOSTED PODCASTS: