GMA Logo Carmina Villarroel role in Hating Kapatid
What's on TV

Carmina Villarroel on her similarities with her role in 'Hating Kapatid': 'I will do everything and anything for my children'

By Dianne Mariano
Published October 8, 2025 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran ready to cooperate for Gulf maritime safety, IMO representative says
Dine 'dampa' style or play pickleball at this commercial complex in Pasay City
'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel role in Hating Kapatid


Bibigyang-buhay ng batikang aktres na si Carmina Villarroel ang role bilang Roselle sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Hating Kapatid.'

Bibida ang Legaspi family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi sa unang pagkakataon sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid.

Naganap na nitong Martes (October 7) ang media conference ng naturang serye kung saan ipinakilala ang stellar cast at nakapanayam pa ng entertainment press.

Sa naganap na event, ikinuwento ni Carmina ang gagampanang niyang role sa serye na si Roselle at ibinahagi kung ano ang kanilang pagkakapareho.

“I play the role of Roselle. Si Roselle po dito ay simpleng babae lamang. Simple lang 'yung pangarap niya sa buhay. Siya po 'yung klase ng nanay na gagawin po niya ang lahat para sa kanyang mga anak at pamilya, and she keeps the family together.

"Marami siyang pagsubok na pinagdaanan, may mga pagkakamali, pero pilit niyang itinutuwid, pilit niyang tinatama 'yung mga maling nagawa niya in the past,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa batikang aktres, ang pagkakapareho nila ni Roselle ay ang pagiging mapagmahal na nanay na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.

Aniya, “Dahil po sa role ni Roselle, parang pinapakita dito 'yung pagmamahal niya sa kanyang mga anak na parang it goes beyond. Lahat ng mga pagsubok, lahat ng sakripisyo, tatanggapin niya para lang makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa mga anak niya.

“Doon similar ako at si Roselle because as you all know, I will do everything and anything for my children. I think gano'n naman lahat ng mga nanay. Di 'ba sabi nga nila, isusubo mo na lang, ibibigay mo pa sa anak mo? So in that aspect, we're very similar, gan'on po 'yung pagkakapareho namin.”

Bukod sa Legaspi family, kabilang din sa cast ng Hating Kapatid sina Valerie Concepcion, Cheska Fausto, Vince Maristela, Bobby Andrews, Glenda Garcia, Lovely Rivero, Leandro Baldemor, Chuckie Dreyfus, Faye Lorenzo, Mercedes Cabral, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang world premiere ng Hating Kapatid sa October 13, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.


BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO.