GMA Logo Carmina Villarroel Cassy Legaspi and Mavy Legaspi
Celebrity Life

Carmina Villarroel, papayagan na bang magkaroon ng girlfriend at boyfriend sina Mavy at Cassy Legaspi?

By Maine Aquino
Published September 1, 2021 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel Cassy Legaspi and Mavy Legaspi


Alamin kung ano ang gagawin ni Carmina Villarroel kapag nagdesisyon nang mag-boyfriend at mag-girlfriend ang mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Ibinahagi ni Carmina Villarroel kung handa na ba siya na magkaroon ng boyfriend at girlfriend ang mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Isa ito sa mga ipinaliwanag ni Carmina sa kaniyang recent vlog na "Answering Your Questions from IG."

Isa sa ipinadala ng kaniyang mga followers ay ang tanong na "Ready na ba kayong magka-boyfriend or girlfriend ang twins?"

Pagsisimula ni Carmina, "Wala yatang nanay ang magiging ready."

Paliwanag ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host ay napagdaanan na rin niya noon ang pakikipagrelasyon kaya naiintindihan niya kung magkakaroon na ng boyfriend at girlfriend sina Cassy at Mavy.

Carmina Villarroel Mavy Legaspi Cassy Legaspi and Zoren Legaspi

Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi/ @mina_villarroel

"Twenty years old na 'yung kambal. Siyempre pinagdaanan ko rin 'yan. Nanggaling na rin ako sa ganyan. Siyempre kung puwede kong sabihin na sana huwag muna, sana huwag muna."

Ayon pa kay Carmina, malaki ang tiwala niya sa kambal na anak nila ni Zoren Legaspi.

"I trust my kids, bahala sila kung sa tingin nila kaya na nila. Kung sa tingin nila 'yun ang priority nila, then I will support them.

Dugtong pa ng Kapuso star, nakikita naman niya na ang focus nina Cassy at Mavy ay ang kanilang showbiz career.

"I trust them and sa tingin ko naman sa ngayon they are very focused sa kanilang mga respective careers kaya hindi muna nila masyado ine-entertain ang kanilang love life. 'Yun ang pagkakaalam ko."

Saad ni Carmina, kung mayroon silang crush or admiration ay okay lang din ito sa kaniya.

"Kung mayroon silang crush, mayroon silang admiration, that's fine with me. Normal lang 'yun. At least gawin lang nilang motivation or inspiration nila 'yun sa kanilang trabaho.

Sa huling parte ng kaniyang sagot ay nagbiro ang celebrity mom ng kaniyang gagawin sakaling magkaroon ng serious relationship sina Cassy at Mavy.

"Kung medyo magiging serious, hinga na lang ako ng malalim."

Panoorin ang vlog ni Carmina dito:

Samantala, tingnan ang naging birthday celebration ni Carmina kasama sina Cassy, Mavy, at Zoren sa gallery na ito: