GMA Logo Carmina Villarroel and Richard Yap
What's on TV

Carmina Villarroel talks about her second time working with Richard Yap

By EJ Chua
Published September 7, 2022 11:25 AM PHT
Updated September 7, 2022 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Richard Yap


Carmina Villarroel: “Masyado siyang magaan na katrabaho. Parang walang masamang tinapay sa kaniya.”

Isa ang GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap sa mga sinusubaybayan ngayon ng mga manonood!

Ang bagong seryeng ito ay pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Isa sa mga kasama nila rito ay ang Chinito actor na si Richard Yap.

Sa katatapos lang na online media conference kasama ang cast ng programa, ibinahagi ni Carmina na hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sila ni Richard.

Sabi ng aktres, "Second time ko na naka-work si Kuya Richard. Ang gaan, masyado siyang magaan na katrabaho. Parang walang masamang tinapay sa kaniya.”

"Ang linis, parang ang bango-bango, ang bait-bait. Masarap siyang kasama, very cool," dagdag pa niya.

Noong 2021, matatandaang nag-guest si Richard sa Kapuso show na Sarap 'Di Ba? kung saan nakatrabaho niya ang Legaspi family.

Samantala, sa bagong Kapuso serye, kasalukuyang napapanood sina Carmina Villarroel at Richard Yap bilang sina Lyneth at Dr. RJ Tanyag, ang mga magulang ng henyong bata na si Analyn.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: