
Emosyonal ang birthday celebration nina Mavy at Cassy Legaspi dahil sa makahulugang mensahe ng kanilang ina na si Carmina Villarroel.
Ang birthday celebration ng Legaspi twins ay ginanap na Sarap, 'Di Ba? ngayong January 6.
Saad ni Carmina kina Mavy at Cassy, "Ang wish ko lang talaga, is to have inner peace and inner joy."
Naging maingat naman si Carmina sa kaniyang mensahe para kay Mavy para raw hindi ito mabigyan ng ibang kahulugan.
"I'm trying to be careful because baka bigyan ng ibig sabihin 'yung mga sasabihin ko. I dont want to overthink, Tatay and I are just happy that you're back."
RELATED GALLERY: Carmina Villarroel as a cool mom to Mavy and Cassy Legaspi
Dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina, "You know that I've been quiet for the past how many years, hindi ko alam bakit sinasabi nilang nangingialam ako but I don't care because I am your Mother. Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So it only means, hindi ako nakialam."
Ayon pa kay Carmina, kasama niya ang ama nina Mavy at Cassy na si Zoren na gagawin ang makakabuti para sa kanila.
"I want you to know the two of you, that I will do everything and anything para sa inyong dalawa. I love you so much. Tatandaan n'yo lang, nandito kami ni Tatay para sa inyo.
"We always want what's best for you, hindi kami mga kontrabida ng buhay ninyo, kakampi ninyo kami."
Ipinagpapasalamat naman ni Carmina ang mga nangyari sa kanilang pamilya noong 2023. Dahil daw dito, naging mas matatag ang kanilang pamilya.
"'Yung pinagdaanan natin last year, I am thankful na pinagdaanan natin 'yun because nakita ko 'yung strength ng bawat isa. Kapag ako 'yung tinitira, si Maverick 'yung nasasaktan. Kapag si Mavy 'yung tinitira or si Cassy, kaming dalawa ni Zoren 'yung nasasaktan."
Sa huli, sinabi ni Carmina na gusto niya lamang ng peace and love para sa lahat.
"Tahimik lang po kami kasi hindi naman po kami palaaway. Gusto lang namin ng peace and love sa lahat."
SAMANTALA, BALIKAN NATIN ANG FAMILY PHOTOS NG LEGASPI FAMKADA: