GMA Logo carmina villarroel
PHOTO SOURCE: Nice Print Photo & Fast Talk With Boy Abunda
What's on TV

Carmina Villarroel to Zoren Legaspi: 'Naging marupok ka na ba?'

By Kristian Eric Javier
Published August 20, 2025 11:11 AM PHT
Updated August 20, 2025 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Gawad Kalinga founder Tony Meloto, arestado sa Bulacan
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

carmina villarroel


Alamin ang naging sagot ni Zoren Legaspi sa tanong ni Carmina Villarroel dito:

Sa 24 na taon ng relasyon nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, isang importanteng tanong ang binitawan ng aktres para sa kaniyang asawa: “Naging marupok ka na ba?”

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 19, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda na may mga taong naa-attract sa mga lalaking kasal na, bagay na sinang-ayunan naman ni Zoren.

Kaya naman, tanong ni Boy, “May mga sumubok ba umaligid-aligid sa'yo?”

Agad namang sumabat si Carmina, “Subukan n'yo.”

Dito, ibinahagi ni Zoren na madalas, tuwing napag-uusapan ang hiwalayan ng pamilya, point of view lang ng babae ang naririnig. Kaya sinabi niyang dapat ay meron ding opinyon ang mga lalaki ukol dito.

Nilinaw naman ni Zoren na hindi niya jina-justify ang cheating, ngunit kasabay nito, “I-check n'yo muna kung naaalagaan n'yo rin 'yung husband n'yo. Bakit tumawid? Otherwise, ang tukso nandiyaan, e, lalo na with the social media? May mga private message 'yan, e.”

“My point is, kunyari hindi mo inaalagaan 'yung husband mo, e, nandiyaan nga 'yung tukso. E, may PM, private message, so du'n na siya simula ng tukso. Kasi may mga moments na magiging marupok ang lalaki e,” pagpapatuloy ng aktor.

Dahil sa sinabing ito ni Zoren, tanong sa kaniya ni Carmina, “Naging marupok ka na ba?”

Ang sagot ni Zoren, “Muntik na.”

Aniya, natigil lang ito dahil sa kaniyang pagiging espiritwal, bagay na sinabi niyang importante sa isang tao.

BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST MOMENTS NINA CARMINA AT ZOREN SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw din ni Zoren na hindi naman siya nagreklamo ngunit minsan ay nawawalan na ng oras ng mga kababaihan sa kanilang mga asawa kapag nagbi-binge ng mga paborito nilang K-Dramas o kahit anong palabas ng ilang oras.

“Hindi mo alam, 'yung asawa mo, waiting for you, to have dinner with you,” sabi ni Zoren.

Sang-ayon naman si Carmina sa sinabi ng asawa na minsan ay nawawalan na ng oras ang mag-asawa sa isa't isa.

Dagdag pa niya, “If you are taking care of yourself, dapat alagaan mo din 'yung asawa mo. 'Wag mong bigyan ng rason para ma-feel niya na nine-neglect mo siya, or wala siyang kausap.”

Aminado naman si Carmina na kadalasan, sa mga nanay, nabubuhos na ang kanilang oras sa mga anak at madalas ay napapabayaan ang kanilang mga asawa. At kahit thankful siya na naiintindihan naman ni Zoren na para naman sa mga anak nila iyon. Diin pa niya sa huli, dapat talaga ay mauna ang asawa.

Related gallery: Carmina Villarroel, nasorpresa sa bonggang birthday suprise ng pamilya