
Nitong June 5 ay humarap sa isang blindfold kissing challenge ang dalawang showbiz couple sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition. Ito ay sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Sila ay binigyan ng ilang tanong tungkol sa kanilang relasyon at kung mali ang kanilang sagot ay kailangan nilang mag-blindfold, umikot, at hanapin ang kanilang asawa para i-kiss.
Ilan sa mga nabuking sa kanila ay ang kanilang unang tampuhan, kung sino ang hindi nagki-kiss, at kung kailan ang last date nila together.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Sa episode na ito ay naghanda rin si Christopher ng isa sa kaniyang dish na Chicken Teriyaki.
Abangan ang mga susunod pang mga Saturday morning bonding ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Silipin ang quarantined life ng pamilya nina Gladys at Christopher sa gallery na ito: