
Abangan ang kuwento ng buhay ni Carrot Man sa 'Magpakailanman.'
Aminado si Jeyrick Sigmaton na malaki ang pinagbago ng kanyang buhay matapos sumikat at maging viral bilang si Carrot Man. Gayunpaman, hindi pa rin siya nagpapaapekto sa tinatamasang kasikatan.
“Marami po. Kahit saan ako pumunta, sa mall, kahit saan pong lugar, marami pong nakakakilala sa akin,” bahagi niya sa panayam sa 24 Oras.
Kuwento rin niya na matapos ang mga pictorial at taping sa Maynila ay binalikan pa rin niya ang pagsasaka pag uwi sa kanilang probinsya.
“Nag-ani po noong umuwi ako, dahil po doon wala pong gulay. Meron po pero kakaunti, good for family lang po,” ani Jeyrick.
Hindi rin nag-enroll ngayon sa eskwela si Jeyrick dahil nais niyang mapag-aral muna ang kanyang mga kapatid.
Sambit niya, “Nag-aalala po ako para sa kanilang kinabukasan. Walang tutulong sa kanila eh.”
Tampok ang kuwento ng buhay ni Jeyrick sa Magpakailanman. Dito ay mapapanood ang kanyang mga pinagdaanan simula nang kanyang kabataan hanggang sa kanyang pag-asenso sa buhay. Ang kanyang katauhan ay bibigyang-buhay ni Kapuso actor Jake Vargas na may pagkakahawig din kay Carrot Man.
MORE ON JEYRICK SIGMATON:
LOOK: Carrot Man Jeyrick Sigmaton is super gwapo in his newest photo shoot
IN PHOTOS: Pormang artista ni Carrot Man