
May pagkakataon nang manalo ng P5,000 araw-araw at makakuha ng grand prize na P50,000 ang loyal Kapuso viewers sa ikalawang season ng 'Kapuso Lucky Numbers of the Day!'
Simula May 1 hanggang June 9, siguraduhing tumutok sa GMA Telebabad programs na “Voltes V: Legacy,” “Hearts on Ice,” at “The Write One” at hintayin ang mga cast member na magbibigay ng Kapuso Lucky Numbers of the Day. I-submit lamang ang Kapuso Lucky Numbers of the Day sa promo website na www.gmanetwork.com/luckynumbers. Ilagay ang sagot, buong pangalan, kumpletong address, birthday, email address, at mobile number upang makasali.
Ang isang sagot ay katumbas ng isang entry at maaaring magpadala ng higit pa sa isang entry.
Ang lahat ng entries na ipinadala sa oras ng GMA Telebabad mula 8:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. ay pasok sa electronic raffle na gagawin tuwing Lunes.
Linggo-linggo ay may limang (5) maswerteng mananalo ng tig-P5,000, at isang (1) Grand Prize winner ng P50,000 sa pagtatapos ng promo! Abangan ang announcement of winners na makikita sa GMA Entertainment website (www.gmanetwork.com) at sa official social media accounts ng GMA Network at GMA Drama tuwing Lunes.
Alinsunod sa DTI Fair Trade Permit No. FTEB-164380 Series of 2023.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang GMANetwork.com.