GMA Logo Cassy and Mavy Legaspi
PHOTO COURTESY: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Cassy and Mavy Legaspi open up on their working dynamics with parents in 'Hating Kapatid'

By Dianne Mariano
Published October 10, 2025 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bangkay ni ex-DPWH Usec. Cabral, nais nang makuha at maiuwi ng kaniyang mister
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy and Mavy Legaspi


Ikinuwento nina Cassy at Mavy Legaspi ang kanilang experience na makatrabaho ang kanilang mga magulang sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Hating Kapatid.'

Bibida ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid kasama ang kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Nitong Huwebes (October 9), bumisita sina Mavy at Cassy sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kung saan sila'y nakapanayam ng host na si Boy Abunda.

Isa sa mga tinanong ng King of Talk para sa celebrity twins ay tungkol sa kanilang experience na makatrabaho ang kanilang mga magulang sa isang serye.

“It's weird and I did not expect it to be weird. Akala ko po smooth sailing na wala lang 'to, maybe nothing's gonna change. Pero for me, personally, I think everything changed kasi po we got to meet each other at a different persona.

“So I got to meet Mavy as an actor and not as a brother on set. Sorry pero the hardest talaga is to work with my dad, I'm not sure why. Parang nahihiya po ako sa scenes and minsan nagba-buckle rin po ako. Even for myself, I wonder, 'bakit ako nagba-buckle? Bakit ako nahihiya?'” pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, “My mom, minsan po nagba-buckle ako, but she has a way of making you feel na, 'It's okay, it's okay. Kalma lang, just do your thing. I'm just here, take your time.'

“Actually my dad, dedma nga lang si Papa Z, parang 'Ikaw din. Bahala ka sa buhay mo. You are your own actor. You do your thing.' I don't know, I'm also trying to figure that out.”

Ayon naman kay Mavy, masayang karanasan ang makatrabaho ang kanilang mga magulang dahil aniya'y nag-set sila ng kani-kanilang boundaries.

Aniya, “Ako it's such a fun time, honestly, because before we all started this show, we created certain boundaries and I told them honestly, my parents, to treat me how they treat their co-actors. So if nagba-buckle ako or, but this barely happens na hindi ako prepared sa lines or whatsoever, don't easily forgive me kasi I'm your son.”

Sa Hating Kapatid, bibigyang-buhay ni Mavy ang role bilang Tyrone, habang gagampanan naman ni Cassy ang karakter bilang Belle.


Abangan ang world premiere ng Hating Kapatid sa October 13, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media ocnference