
Malapit nang mapanood ang bagong afternoon drama series na Hating Kapatid na pagbibidahan ng Legaspi family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.
Nitong Martes (October 7), naganap na ang media conference ng naturang serye kung saan ipinakilala ang stellar cast at nakapanayam pa sila ng mga miyembro ng press.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni Zoren na pangarap nilang pamilya noon na magkaroon ng sitcom, pero aniya, ngayon ay iniisip niya na baka talagang nakalaan sila para gumawa ng drama series.
“Isa sa mga rason kung bakit we want to be in one company, so that we can work together. Ang pangarap noon is magkaroon kami ng sit-com na it never happened. Pero ngayon na iniisip ko, baka talagang nakalaan kami for this kind of show, 'yung drama,” aniya.
Inamin din nina Cassy at Mavy na mayroong ilang challenges sa unang pagkakataon na makatrabaho nila ang kanilang mga magulang sa isang serye.
“The easiest, for me, Mavy, surprisingly si Mavy, especially kapag drama Mavy is the easiest. I don't know if it's because kambal kami kaya easy 'yung connection and relaxed lang lahat. Siguro yeah my mom also, in a way, sort of.
"The hardest I would say for some reason, surprisingly, si tatay. Hard to work with because kinakabahan ako for some reason. I don't know why,” pagbabahagi ni Cassy.
Ani naman Mavy, “Growing up kasi, athlete ako so I love challenges. So the fact na we get to act in this playing field na magaling si Mama don na drama, and siya lagi ka-eksena ko, it's so fun. I love the challenge. I love waking up to it na, 'shocks, ka-eksena ko 'yung mama ko and we're gonna do these scenes.' I always look forward to it.”
Mapapanood na ang Hating Kapatid simula October 13, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.
BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO.