
Ikinwento nina Cassy at Mavy Legaspi ang mga naging bilin ng kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi noong nagsisimula sila sa showbiz.
Sa Wala Pa Kaming Title podcast nina Carmina, Candy Pangilinan, Gelli de Belen, at Janice de Belen, ikinwento nina Cassy at Mavy kung kailan nila na-realize na gusto nila maging artista.
“I think I've always wanted it ever since, pero I never really said it out loud. It got to a point na I kept pushing put down, but eventually I ended up really wanting it pala, may interest pala ko. So I decided, you know, why not try it out? Why not give it a shot? Give it a chance?” kuwento ni Cassy.
Tennis naman ang first love ni Mavy pero, ayon sa kanya, nami-miss niya ang harap ng camera sa tuwing may competitions siya. Mas lalong nanaig ang pagmamahal niya sa pag-aartista nang mapanood ang pelikula na Top Gun.
Inamin din ni Mavy na minsan na siyang nakaramdam ng “imposter syndrome.”
“I have this opportunity given to me, and I have to maximize it, kasi ang daming nakapila dun that are trying their best to make it to this industry,” ani Mavy.
Samantala, isa raw sa mga bilin nina Carmina at Zoren sa kambal noong nagsisimula sa pag-aartista ay seryosohin ito.
“Of course, you have to have fun and enjoy it, but at the same time, don't take it for granted, especially the opportunities we have. To continue working for what you want, even if you have what you want right in front of you. Wag kang masyadong kampante,” sabi ni Cassy.
Disiplina naman ang paalala na tumatak kay Mavy mula sa kanyang mga magulang.
Ayon din sa kanya, dahil nakikita nila ang trabaho ng mga magulang noong bata pa lamang ay nakita na nila ang dapat i-expect pagpasok ng industriya.
“Nakikita namin 'yung puyat, 'yung hardwork. So they didn't need to explain to us much kung ano 'yung ine-expect namin sa industry… we see it. We know na okay, if we enter this industry, we're bound to experience this,” ani Mavy.
RELATED GALLERY: Mavy at Cassy Legaspi, paano nga ba nagkaiba bilang twins?