GMA Logo Cassy and Mavy Legaspi
What's on TV

Cassy at Mavy Legaspi, proud "ZorMina" fan sa premiere ng 'Stories from the Heart: The End Of Us'

By Jimboy Napoles
Published December 20, 2021 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy and Mavy Legaspi


Cassy at Mavy Legaspi, proud na sinuportahan ang premiere ng 'Stories from the Heart: The End Of Us.'

Hindi pinalagpas ng kambal na magkapatid na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi ang premiere ng Stories from the Heart: The End Of Us na pinagbibidahan ng kanilang mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Ito ang unang Kapuso serye ng mag-asawa kung saan sila ay magkatambal kaya naman very proud and excited sina Cassy at Mavy sa proyektong ito ng kanilang parents.

Proud #ZorMina fan nga ang dalawa sa kanilang social media posts bilang pagsuporta sa pilot episode ng nasabing series.

Sa kanilang Instagram stories, ipinakita ng dalawa ang video ng ilang mga nakakakilig na eksena nina Carmina at Zoren sa The End Of Us.

Natuwa rin si Cassy sa ilang linya ng kaniyang tatay Zoren sa eksena ng ligawan stage ng mga karakter ng #ZorMina bilang sina Maggie Corpuz at Jeffrey Guevarra.

Pinuri naman ni Mavy ang ganda ng kanyang nanay Carmina.

Sa Twitter, napa-tweet din si Cassy dahil sa paghanga sa husay ng kanilang mga magulang.

Samantala, kasalukuyan namang napapanood si Mavy sa GMA primetime series na I Left My Heart In Sorsogon, nakatakda ring magbalik teleserye si Cassy sa season 2 ng First Yaya na First Lady.

Panoorin ang Stories from the Heart: The End Of Us, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.