
Bukod sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, mapapanood din ang young actress na si Cassy Lavarias sa comedy movie na Batang Paco.
Sa ginanap na media conference ng pelikula kamakailan, nabanggit ni Cassy sa GMANetwork.com ang kanyang malaking pasasalamat na mapabilang sa naturang pelikula.
Dito ay gaganap siya bilang Chada, na kanyang inilarawan bilang “very brave, very smart because she's gifted, very loving. She loves her father very much.”
Makakasama ni Cassy rito ang ilang mga kilalang aktor tulad ng bidang si Empoy Marquez, Comedy Concert Queen Aiai delas Alas, Mon Confiado, Ynez Veneracion, Kim Rodriguez, at Chichi Rita.
“Sobrang saya po nila kasama, very professional, and humble,” aniya.
Ang Batang Paco ay ika-tatlong pelikulang kinabilangan ni Cassy. Naging bahagi rin siya noon ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na Mallari at 2025 film na In Thy Name.
Kaya naman nagpapasalamat si Cassy dahil sunud-sunod ang mga proyektong nakukuha niya bilang artista.
“Siyempre, sobrang saya ko po dahil nakikilala na po ako, dumadami po ang supporters ko. Very grateful din po ako kay Lord kasi mas binigyan niya ako ng blessings,” sabi ng 13-year-old actress.
Pagdating sa kasikatan, alam ni Cassy na hindi ito dapat maging dahilan ng paglaki ng ulo.
Aniya, “I need to stay grounded, I need to stay humble.”
Kilalanin pa si Cassy Lavarias sa gallery na ito: