
Isa sa mga bumati sa kaarawan ni Bianca Umali ay ang Sang'gre co-star na si Cassy Lavarias.
Sa Facebook, ipinarating ni Cassy ang pagbati sa kanyang apwe (kapatid) na si Bianca Umali. Ipinagdiwang ni Bianca ang 26th birthday noong Lunes, March 2.
"Hasne Ivo Live (Happy birthday) aking apwe, Ate Bianca. E correi diu (Mahal kita)," sulat ni Cassy.
Gumaganap sina Cassy at Bianca bilang ang magkapatid na Gaiea at Terra, mga anak ni Sang'gre Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Suportahan at subaybayan sila sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: Meet Cassy Lavarias, who plays Gaiea in 'Sang'gre'