What's Hot

Cassy Lavarias, may teaser sa magiging role ni Gaiea sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published February 19, 2026 11:02 AM PHT
Updated February 19, 2026 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kyrie Irving sidelined until 2026-27 season
Zeinab Harake pens sweet birthday message for husband Bobby Ray Parks Jr.
24 LGU workers in Binalbagan, Negros Occ positive in drug test

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Lavarias


Labis din ang saya ni Cassy Lavarias na makasama sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'.

Tila wish come true para kay Kapuso star Cassy Lavarias na makasama sa mahiwagang mundo ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Matapos makilala bilang batang Adelina sa Pulang Araw, marami ngayon ang namamangha kay Cassy bilang Ivtreng Sang'gre na si Gaiea.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso aktres ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong gampanan ang matapang na karakter sa superserye.

"Sobrang saya ko po. I'm so grateful to be part of Encantadia Chronicles: Sang'gre and, of course, to be Gaiea," aniya.

Ngayong nalaman ng Ivtre ang sakripisyo ng kanyang kapatid na si Terra (Bianca Umali), marami raw dapat abangan ang viewers sa magiging kapalaran ni Gaiea.

"Dami pong mangyayari. Unexpected things ang mangyayari po sa role ko doon," tease nito.

"Kaya abangan n'yo po 'yun. Marami po siyang gagawin para mabuhay ulit. Tutulong po siya para po mas gumanda ang Encantadia."

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, kilalanin pa si Cassy Lavarias sa gallery na ito: