
Hindi maitago ng mga bida ng First Yaya na sina Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi ang kanilang kilig tuwing babalikan ang ilang eksenang ginagawa nila sa show.
Para kay Joaquin, masuwerte siya dahil first-hand niyang nararanasan ang mga nakakakilig nilang eksena.
“My character is always with Cassy's character, e, so I get to enjoy a lot talaga,” saad ni Joaquin sa interview ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
“Kung ['yung mga nanonood] kinikilig, mas lalo pa ako.”
Nagulat naman si Cassy sa sinagot ni Joaquin kaya tinanong niya ito kung totoo bang kinikilig siya.
Sagot ni Joaquin, “I'm the one here, e. I'm the one feeling all the kilig that's actually happening.”
Sumang-ayon naman si Cassy sa sinabi ni Joaquin na nakakakilig talaga sa set ng First Yaya.
“Nagpe-feel ko on set 'yan, e, especially 'pag action,” saad ni Cassy.
“I don't know. Parang, I transform into Nina's world, Nina and Jonas's world, especially 'yung scene sa La Union.
“'Yung 'thank you' tapos 'you're welcome'?
“Oh my God, na-feel ko 'yun.”
Panoorin ang eksenang tinutukoy ni Cassy:
Tuloy tuloy ang pagpapakilig ng First Yaya mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Para sa mga Kapuso, bumisita sa gmapinoytv.com para sa buong detalye kung paano pwedeng mapanood ang First Yaya sa inyong bansa.