What's Hot

Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso, na-miss ang isa't isa matapos hindi magkita ng isang buwan

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 29, 2021 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi and Joaquin Domagoso


Ano kaya ang masasabi nina Cassy at Joaquin sa kanilang muling pagkikita?

Aminado ang mga bida ng First Yaya na sina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso na na-miss nila ang isa't isa dahil mahigit isang buwan silang hindi nagkita.

Kuwento ni Joaquin, sobrang saya niya nang muli silang magkita ni Cassy sa taping ng The Boobay and Tekla Show.

"Actually, I just saw Cassy, nag-taping kami for guesting sa TBATS," kuwento ni Joaquin kay Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Alam mo, Tito Lhar, miss na miss ko na talaga [si Cassy] pero after yesterday, solve na ako. Next time ulit."

Ganun din naman ang naramdaman ni Cassy nang magkita silang muli.

"After seeing Joaquin again for one month, parang na-realize ko after I saw him yesterday, I miss him nga," pag-amin ni Cassy.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na naging close sina Cassy at Joaquin sa likod ng camera.

Sa katunayan, minsay ay nahuli pa nga ang dalawa habang nagsasayaw sa set ng First Yaya.

Isang post na ibinahagi ni Cai Cortez (@caicortez)

Nang tanungin si Joaquin tungkol sa video, wala na siyang nasabi kung hindi "Huli talaga, e."

Mapapanood ang finale week ng First Yaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Papalitan ito ng The World Between Us, na pinagbibidahan nina Alden Richards, Sanya Lopez, at Tom Rodriguez, na mapapanood simula July 5.