
Ngayong October 16, balik studio na ang Saturday morning show na Sarap, 'Di Ba?
Nang magsimula ang quarantine, naging Bahay Edition ang Sarap, 'Di Ba? at napanood ang Legaspi family sa kanilang tahanan. Ngayong October 16 lamang mapapanood muli sa studio ang kanilang programa.
Sa ginanap na Zoomustahan with Mavy and Cassy Legaspi, ibinahagi ni Cassy ang mga bagay na na-miss niya sa studio taping ng kanilang programa.
Photo source: @cassy
Ayon kay Cassy, na-miss niyang maka-bonding in person ang kanilang mga guests.
"One of the things that I love about Sarap, 'Di Ba? is 'yung mga guests, gusto kong magchika chika kasi especially kapag cut, 'oh tapos? ano 'yung ganito, ganyan?' Kasi nga madaldal po ako, madami po akong tanong," kuwento niya.
Dugtong pa ng young Kapuso host, "I like seeing new guests, its pandemic so you don't get to meet a lot of people. Ito 'yung chance para makapagchikahan ko ng hugot powers ko."
Ayon kay Cassy kaabang-abang ang episode ngayong Sabado dahil sa mga fun segments na mapapanood ng mga Kapuso viewers.
"The new segments are really fun, the games din kasi we get to play games with the guests na. It's super fun.”
Ikinuwento rin ni Cassy na masaya ang kanilang mommy na si Carmina Villarroel na nakabalik na sila sa studio.
"Tawa lang kami ng tawa especially our first taping day ng Sarap, Di Ba? sa studio. Mommy just kept laughing," sabi niya.
Sa first taping nila sa studio, hindi pa mapapanood si Mavy dahil nakalock-in taping siya para sa I Left My Heart in Sorsogon. Pero sinigurado ni Cassy na updated ang kaniyang kambal sa nangyari sa Sarap, 'Di Ba? studio taping.
"I think nagkuwento ako kay Mavy that night sa FaceTime na all we did was laugh. It's super fun. I love Sarap Di Ba? Studio Edition but I also miss Sarap Di Ba? Bahay Edition."
Abangan ang pagbabalik ng Sarap, 'Di Ba? sa studio ngayong October 16, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Sa mga nais sumali sa Kapuso Brigade, mag-message lamang sa social media accounts ng Kapuso Brigade sa Facebook, Instagram, at Twitter.
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba? heads back to studio this Saturday; launches new, exciting segments