What's on TV

Cassy Legaspi, naghahanda na para sa lock-in taping ng 'First Yaya'

By Dianara Alegre
Published October 20, 2020 11:04 AM PHT
Updated March 3, 2021 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

cassy legaspi first yaya


Makakatambal ni Cassy Legaspi sa drama series na 'First Yaya' si Joaquin Domagoso.

Kabilang si Cassy Legaspi sa cast ng upcoming drama series na First Yaya, na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Source: cassy (IG)

Dahil ito first-ever role in a drama niya, sinabi ng young actress na excited na siya para rito at ngayon pa lang ay nag-iimpake na para sa nalalapit na lock-in taping ng serye.

Nang makapanayaman ng 24 Oras, ibinahagi ni Cassy na katulong niya ang kanyang mommy Carmina Villarroel sa pag-iimpake ng mga dapat na dalhin.

“Portable washing machine and portable dryer.

“Oh my gosh I'm really like my mom! Titas of Manila na 'yung conversation,” ani Cassy.

Makakatambal ni Cassy sa First Yaya ang anak ni actor-turned-politician Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.

Source: jdomagoso (IG)

Samantala, ang twin naman niyang si Mavy Legaspi ay abala sa hosting ng Sunday variety show na All-Out Sundays.