
Tila matindi ang sampal na natanggap ni Cassy Legaspi mula kay Gabby Eigenmann sa isa sa mga eksena nila sa When I Met You in Tokyo, na isa sa official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.
“She dared me to hit her,” paglalahad ni Gabby sa eksena nila Cassy, na gaganap bilang anak niya sa pelikula.
Nakausap ng entertainment media ang cast ng When I Met You in Tokyo sa media conference nito noong Huwebes, December 14.
Patuloy pa ng aktor, “Sa nakita n'yo sa trailer, sabi ko, dadayain ko na lang. Pero sabi niya, 'No, do it,' para makahugot siya ng emosyon.”
Pagkatapos ay tinanong niya si Cassy, “Masakit ba?”
Sumagot naman ng ngiti ang dalagang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Kasunod nito ay pinuro ni Gabby sa ipinakitang professionalism ni Cassy.
Aniya, “I'm very proud of Cassy kasi she turned out to be good here. Tuwang-tuwa si Direk [Rommel Penza]. Thank you, direk, for making Cassy another big thing. Nakatikim ng sampal of an Eigenmann.”
Katulad ni Gabby, ito rin daw ang unforgettable scene na ginawa ni Cassy sa pelikula.
“Thank you, papa, you're the best,” sabi niya sabay tingin kay Gabby at nagbigay ng thumbs up.
Patuloy niya, “Actually, totoo yun kasi napakasakit ng sampal… Pero ginusto ko 'yan! Professional po tayo. Wow!”
Bukod kina Cassy at Gabby, ang When I Met You in Tokyo ay pagbibidahan ng award-winning actors na sina Vilma Santos at Christopher de Leon. Kasama rin dito sina Darren Espanto, Kakai Bautista, Lyn Ynchausti, Tirso Cruz III, Lotlot de Leon at Gina Alajar.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA KAPUSONG BIBIDA SA MMFF 2023: