
Isa si Carmina Villarroel sa mga hinahangaan ng mga manonood ng Abot na Kamay na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Bukod sa fans ni Carmina, proud din sa kaniyang acting skills ang isa sa kaniyang kambal na anak na si Cassy Legaspi.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Cassy, ibinahagi niya kung gaano siya ka-proud sa kaniyang mommy sa pagganap nito bilang si Lyneth sa hit GMA medical drama series.
Pahayag ng Sparkle artist, “All I can say is, I'm very very very proud of my mom and I always watch 'yung show niya siyempre. Actually, me and my family we always watch it. Nakakaproud talaga!
Dagdag pa niya, "I can also tell na proud din si mama sa sarili niya because very in love siya sa role niya. Gusto niya 'yung message ng character niya--na it is never too late to go to school, na it is never too late to learn. Nakaka-proud talaga because I can see na nandoon talaga 'yung passion ni mama."
Kasunod nito, inamin din ni Cassy na naiiyak siya habang pinapanood ang ilang eksena sa seryeng pinagbibidahan ng kaniyang mommy.
Sabi niya, “Nakakaiyak talaga 'yung mga eksena, as in, I always cry. Super effective talaga si mama and her acting is amazing, no doubt! I'm not surprised kasi magaling talaga si mama.”
Kamakailan lang, magkasunod na binisita nina Cassy at Mavy ang kanilang Mommy Carmina habang nasa taping ito ng Abot Kamay Na Pangarap.
Bukod kay Carmina, napapanood din bilang bida sa on-air at online hit inspirational-medical drama ang teen actress na si Jillian Ward.
Kasalukuyan ding napapanood dito sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Andre Paras, Jeff Moses, at marami pang iba.
Patuloy na tumutok sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG BEAUTIFUL LEGASPI FAMILY SA GALLERY SA IBABA: