
Tumitindi ang mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Cassy, ibinahagi niya kung ano ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang serye.
Ayon sa Sparkle actress, may mga kaabang-abang pang rebelasyon sa kuwento ng Hating Kapatid.
"Meron pa ring maraming plot twists kahit na papunta na sa finale. Trust me, marami pa guys, marami pa. Siguro akala n'yo ay tapos na 'to, hindi pa guys. Marami pang revelations and plot twists. So abangan n'yo po 'yan sa Hating Kapatid," kwento niya.
Binibigyang-buhay ni Cassy ang role bilang Belle sa naturang GMA Afternoon Prime series.
Bukod sa matitinding mga tagpo, patuloy ring nagbibigay ng saya ang cast ng Hating Kapatid off-cam sa kanilang fun behind the scenes videos, na mapapanood sa social media.
@cassy.legaspi parang di lang nag mahabang heavy scene ah iba talaga mga ka Gen Zs ko! #HatingKapatid ♬ original sound - Maddie Borge
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.