
Kaabang-abang ang mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi.
Sa likod ng camera, makikita naman ang pagiging malapit ng cast sa isa't isa. Sa Instagram, ibinahagi ni Cassy, na bumibida bilang Belle, ang ilang photos at videos ng behind the scenes sa set.
Makikita rin sa naturang post ang kulitan moments nila ng kanyang co-stars na sina Mavy, Cheska Fausto, Vince Maristela, Haley Dizon, at Vanessa Pena.
"In betweens of [Hating Kapatid]," sulat niya sa caption.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ng birthday surprise ang Legaspi twins mula sa kanilang Hating Kapatid family habang nasa set. Ipinagdiwang nina Mavy at Cassy ang kanilang 25th birthday noong January 6.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related content: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference