
Si Kapuso star Cassy Legaspi ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Tatlo Ang Ama Ko," gaganap siya dito bilang Lara, isang dalagang may tatlong kinagisnang ama.
Makakasama niya sa episode si Sharmaine Arnaiz na gaganap bilang nanay niyang si Becca.
Si Dominic Ochoa naman si Chito, si Bobby Andrews ay si Romy, at si Epy Quizon ay si Fernan, ang mga tatay ni Lara.
Paano nga ba nagkaroon ng tatlong ama si Lara?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Tatlo Ang Tatay Ko," August 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.